Salisi Gang umatake sa coffee shop

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang Salisi Gang ma­tapos tangayin ang ma­laking halaga ng ari-arian ng turistang Korean sa coffee shop sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga­.

Dumulog sa Manila Police­ District-General Assign­ment Section ang biktimang si Yang Hyo Jeung­, may-asawa, port captain, tubong-Busan, South Korea at pansamantalang nanunuluyan sa #1538 Riviera Mansion Hotel sa 10-203 A. Mabini St., Ermita, Maynila.

Base sa police report, ku­makain ang biktima ka­sama ang kaibigang si Kyu Tae Park sa coffee shop sa Riviera Mansion nang lapitan at tabihan ng isang lalaking disente ang pana­namit at may edad na 35-40.

Biglang nawala na umano ang bag ma­tapos tumabi ang nasabing lalaki­ sa kanyang upuan.

Kabilang sa mga gamit­ na nalimas ng Salisi Gang ay ang Samsung laptop, digital camera, USB flash drive, Samsung Galaxy­ battery, sunglass at reading­ glass, company ID at Korean­ passport.

Show comments