^

Metro

Sekyu patay sa nagwalang kostumer sa bar

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng isa sa siyam na kostumer na nagwala sa loob ng isang night club sa bayan ng Pateros, kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa sa Ospital ng Makati ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang biktimang si Jorge Cabanero, 28, residente ng  Niugan Alley 17, Brgy. Sta. Ana, ng naturang bayan.

Nakatakas at pinaghahanap naman ngayon ang mga suspek na inisyal na nakilalang ang magkapatid na sina Edward at Junjun Mones, alyas Isay, alyas Jade Arman, at lima pang hindi nakilala.

Sa ulat ng Pateros Police Station, naganap ang krimen dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa harap ng Mekay KTV Bar sa may Bagong Calzada St., Brgy. Martirez, ng naturang bayan. Ayon kina PO1 Frederic Ignacio at Rodel Espanto, nagpapatrulya sila sa naturang lugar nang makatanggap ng paghingi ng saklolo buhat sa manager ng naturang bar ukol sa naganap na barilan.  Sa kanilang pagresponde, nakita nila ang biktima na duguang nakalugmok sa tapat ng bar kaya agad na sinaklolohan ito at isinugod sa pagamutan.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa pinaniniwalaang tirahan ng mga suspek sa Maya St., Brgy. Rizal, Makati ngunit hindi na natagpuan ang mga salarin.

vuukle comment

BAGONG CALZADA ST.

BRGY

FREDERIC IGNACIO

JADE ARMAN

JORGE CABANERO

JUNJUN MONES

MAKATI

MAYA ST.

NIUGAN ALLEY

PATEROS POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with