^

Metro

Konseho ng Pasay nagpasa ng ordinansa vs cervical cancer

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa lumalalang biktima ng “cervical cancer” sa ka­babaihan, nagpasa ng isang ordinansa ang pamahalaang lokal ng Pasay City upang magsagawa ng giyera laban sa naturang sakit sa pamamagitan ng paglalabas ng higit P6 milyong pondo.

Ayon kay Pasay City Ma­yor Antonino Calixto, inisyal na P1.5 milyon ang ilalaan nila sa natitirang dalawa at kala­hating buwan ng kasaluku­yang taon habang P5 milyon naman sa kabuuan ng taong 2013 para sa libreng pagpapabakuna ng kababaihan sa Pasay. Ito’y sa ilalim ng ipinasang City Ordinance no. 4947-2012 na nagtatakda ng “cervical cancer prevention program” sa lungsod.

Sa datos ng pamahala­ang lungsod, higit sa 600 ka­ba­baihang buhat sa mahihirap na pamilya ang nagbene­pisyo sa libreng bakuna no­ong ta­ong 2011.

Sa adisyunal na pondo, mas marami pang mga ka­babaihan ang makiki­nabang sa libreng bakuna.

Sinabi ni Calixto na importante na maproteksyunan ang babae, bata man o matanda sa pamamagitan ng pagpapabakuna.  Mas mainam umano ang “prevention” kaysa sa ga­mutan kapag na-detect na ito.

Pinasalamatan naman ni Councilor Pinky Lyn Francisco si Calixto sa suporta sa programa na kanyang pinasi­mulan.

Nabatid na nitong nakaraang Oktubre 15, naibigay na ang ikalawang dose ng bakuna sa mga benepisyaryo sa Pasay City Session Hall. Nagbigay rin ng leksyon sa mga parti­sipante ukol sa cervical cancer at sa halaga ng bakuna.

Sa datos ng World Health Organization, ang cervical cancer ang ikalawang pinakapalasak na kanser sa buong mundo sa mga babae na may edad 15-anyos pataas.

Sa Pilipinas, nasa 6,000 babae ang nagkakaroon ng naturang kanser at nasa 4,300 ang nasasawi sa sakit.

ANTONINO CALIXTO

CALIXTO

CITY ORDINANCE

COUNCILOR PINKY LYN FRANCISCO

PASAY CITY

PASAY CITY MA

PASAY CITY SESSION HALL

SA PILIPINAS

SHY

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with