^

Litra-talk

Billy, ‘di nakapagpaalam sa tatay!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Billy, �di nakapagpaalam sa tatay!
Jack, Billy at Amari
STAR/ File

Marami ang nagpaabot ng pakikiramay kay Billy Crawford sa pagpanaw ng ama at marami ang nalungkot nang mabasa ang mensahe niya.

Tama ba kami na former military man ang dad ni Billy kaya “Sir” ang tawag niya rito?

Nakasulat ang location ni Billy sa post niyang ito na Abilene, Texas. Ibig sabihin, lumipad siya pa-Texas to be with his dad kahit man lang sa interment nito.

Anyway, judge si Billy sa The Voice Kids ng GMA 7, wala pa yatang taping dahil ang host ng si­nging competition for kids na si Dingdong Dantes ay kararating lang from Milan, Italy.

Halimbawang magkaroon ng taping na wala pa si Billy, puwedeng kumuha muna ng guest judge ang GMA.

Carla, pumayat na

In-open up ni Carla Abellana sa kanyang follo­wers sa Instagram ang sakit niyang Hyphothyroi­dism at ang journey ng kanyang pagpapapayat. Kung paano ito nakakaapekto sa buhay niya at makaka-relate sa kanya ang mga gaya niyang may ganitong sakit.

Masayang in-announce ni Carla na finally pumayat na siya at makikita ang mga larawan niyang payat na nga siya. Kaya lang, dusa ang diet plan na ibinigay sa kanya ng kanyang doctor. Platito-sized meals lang daw ang puwede niyang kainin, 100g at bawal siyang kumain ng healthy and good food. Gusto man niyang umiyak, nanaig sa kanya ang kagustuhang pumayat.

Masayang ibinalita ni Carla na umabot ng five months bago siya pumayat. Nabawasan siya ng 18lbs. Worth it daw ang pabalik-balik niya sa clinic ni Dr. Angeles.

Samantala, extended ang Widows’ War for four weeks daw na ikinatuwa ng viewers nito. Kaya tuloy ang bardagulan ng mga karakter na nagugustuhan ng nanonood ng murder mystery series ng GMA 7.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Kakasuhan!
6 days ago
6 days ago
Korek!
7 days ago
7 days ago
Signature!
9 days ago
9 days ago
Ulo
10 days ago
10 days ago
Balot face
11 days ago
11 days ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with