Mga posibilidad na magkaroon ng breast cancer
MARAMING beses ko nang naisulat sa column na ito ang mga kababaihang may posibilidad na magkaroon o magkadebelop ng breast cancer. Marami naman ang humihiling na ulitin ko ito para raw magkaroon sila ng gabay. Inuulit ko na kapag nakakita ng mga palatandaan ng cancer sa suso, pinaka-maganda ay kumunsulta agad sa doctor para ito maagapan. Ang breast cancer ay maaagapan kung maagang made-detect.
Narito ang 11 posibilidad na maaring magkaroon o magkadebelop ng breast cancer:
Yung mga nagkaroon na ng cancer sa isa nilang suso. Maaaring madebelop ang second primary sa isa pang suso.
Yung may history ng breast cancer sa pamilya. NagÂkaroon ng cancer ang ina o kapatid na babae.
Yung mga kababaihang nasa 40 years old.
Yung may mga malalapit na kamag-anak na nagkaroon ng breast cancer.
Yung may mga history nang maagang pagreregla (menarche) at yung nag-menopause nang lampas sa 50 taong gulang.
Yung mga hindi nagkaanak o nagkaanak ng unang sanggol makaraan silang mag-30 years old.
Yung may history ng cystic disease sa kanilang suso.
Yung mga masyado ang exposure sa high energy exposure.
Yung may history ng cancer sa uterius, colon at ovary.
Yung mga hindi nag-breastfeed ng kanilang sanggol ay mataas ang panganib na magka-cancer kaysa sa mga nagpa-breastfeed.
Yung regular na gumagamit ng mataas na doses ng oral contraceptives, gayunman ito ay pinagdedebatehan pa.
- Latest