^

Kutob

Enero 23, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Maraming gawain subalit kailangan ang magpahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan sa tahanan, maging tagapamagitan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 at violet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ano man ang gawain ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na plano. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Maiiwasan mapa-away kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang simpleng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at jade green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Walang puwang upang magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pag-desisyunan, gawin nga-yon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal at hindi ito magreresulta sa kapahamakan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Isang magandang ba-lita ang matatanggap. Mag-ingat sa sasabihin dahil baka ma-misinterpret ka ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung gulong-gulo ka sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan, putulin na hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at brown.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung inaakala na wala nang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 25, 30 at indigo.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain sa loob at labas ng tahanan ay matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung makakatanggap ng regalo ngayon, tiyak na magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 at lilac.

HOROSCOPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with