Oktubre 24, 2024

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) –  Sundin ang payo mga taong nagmamahal sa’yo dahil ang tanging hangad nila ay ang ikabubuti mo. Linisin ang paligid para maalagaan ang sarili laban sa mga sakit. Iwasan din ang sobrang pagpupuyat, ingatan ang iyong health. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 37, 42, 50 at red orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Mabibiyayaan ka ng original ideas. Isang malaking kabuhayan ang ipagkakatiwala sa’yo. Lucky number at color for the day ang 27, 32, 12, 55 at sapphire blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Isang helpful person ang iyong makikilala ngayon. Siya ang tutulong para tuparin ang mga pangarap mo. Lucky number at color for the day ang 13, 41, 45, 23 at taffy brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) –  Ang iyong best friend ang mag-o-offer ng masaganang kabuhayan. Kakailanganing ang magpatingin sa dentist. Lucky number at color for the day ang 14, 29, 37, 54 at pistachio green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang iyong positive thinking ay aakit ng opportunities. Aangat sa buhay, tatanggap ng iba’t ibang offer. Lucky number at color for the day ang 21, 52, 37, 29 lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kakaibang uri ng kabuhayan ang mangyayari. Maiintriga sa pulitika. Ipa-feng shui ang workplace. Lucky number at color for the day ang 12, 33, 39, 49 at ivory white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Matutuklasan ang tunay na kaibigan. Tatanggap ng salapi mula sa abroad. Mag-ingat sa anumang imbitasyon. Lucky number at color for the day ang 14, 22, 29, 53 at gold.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Sundin ang kutob sa iyong desisyon tungkol sa kita. Pairalin ang common sence. Magiging masaya ang araw. Lucky number at color for the day ang 23, 39, 32, 45 at brown.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) –  Kumunsulta sa psychic para magabayan sa desisyon. Mapaghahandaan ang future kung determinado. Lucky number at color for the day ang 32, 53, 12, 31 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Hindi lahat ay sang-ayon sa’yo. Sikapin na maiwasan ang hidwaan. Huwag pansinin ang tsismis. Lucky number at color for the day ang 25, 39, 45, 52 at citrine yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) –  Exciting ang iyong unexpected romance. Pag-ingatan ang credit card at ATM, gamitin lang sa needs. Lucky number at color for the day ang 18, 31, 35, 54 at grape violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mag pa-feng shui para maakit ang suwerte. Matutupad ang home improvement kung kikita ka sa deal. Lucky number at color for the day ang 25, 37, 53, 47 at scarlet red.

Show comments