^

Kutob

Hunyo 9, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – May desisyon na kailangang pag-isipang mabuti sa araw na ito. Huwag magpadalos-dalos. Humingi ng payo o suhestiyon sa mga kaanak para walang pagsisihan balang araw. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 29, 40 at pink. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isang kaibigan. Babae o lalaki ang maaaring sanhi ng gulo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 18, 37 at indigo.  

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan nakikilala. Naaayon ang panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing lang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.  

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte ang negosyo. Walang magiging problema sa tahanan. Lucky numbers at color for ang 5, 13, 22, 26 at lilac.  

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Magiging masuwerte ang araw na ito. Magsisimula ang pagbabago sa buhay mo. Makakatanggap ng magandang balita. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 37, 40 at fuchsia.  

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maipapakita ang kakayahan kung nanaisin. Tataglayin ang kahinahunan ng pag-iisip sa gawaing mental o pisikal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 27 at purple.   

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maging mahinahon. Huwag hayaang uminit ang ulo. Mabubuksan ang magandang pagkakataon para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 19, 36 at peach.   

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Angkop ang pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan, na mahalagang armas na magagamit mo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 16, 17, 35 at beige.  

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Lawakan ang iyong pangunawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang problema na bumabagabag sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 25, 17 at magenta.   

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magiging balisa ka sa buong maghapon. Ito ay dahil sa hamon na hatid ng  mabigat na problema. Handang tumulong ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 35, 44 at red orange. 

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Magiging magulo ang araw na ito. May magaganap na pagtatalo sa mga kasamahan o sa kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 24, 39, 41 at purple.   

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Mapagwawalang bahala ang araw na ito. May mararamdamang hindi kanais-nais. Sikapin na hindi ka magkapagmamalabis. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 32, 42 at opal.    

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with