Mayo 12, 2024

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung nais mapabuti ang relasyon sa mga minamahal sa buhay, igalang ang kanilang desisyon at karapatan. Mag-ingat sa pinagkakatiwalaan, dahil may gagawing paghuhudas. Lucky numbers at color for the day ang 1, 15, 33, 42 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) –  Walang iba kundi ikaw ang gagawa ng desisyon. Kung labag sa loob, huwag gawin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 27, 35 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang nararamdamang kutob ay sundin dahil magkakatotoo. Positibo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 13, 17, 23, 39 at white. 

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Magiging maayos ang takbo ng negosyo. Magkakaroon ng kalutasan ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 17, 18, 27, 38 at neon green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Hindi lahat matutuwa sa binabalak na pag.babago. Tututol ang marami pero push lang!. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 44 at blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Dahil sa taglay na karisma magiging maswerte sa iyo ang trabaho. Lalago ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 27, 37 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sa ordinaryong mga tao at kahit mayayaman, harapin ang problema ng buong tapang at tatag. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 35, 40 at beige.  

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Masusukat ngayon kung gaano kamahal ang bawat isa dahil sa mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 14, 29, 36, 39 at pale yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag kontrolin ang kapareha. Mayroon siyang mga magagandang idea. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 34, 42 at cherry red. 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Umiyak ka kung kinakailangan para lumuwag ang dibdib at kumalma ka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 18, 29, 43 at burgundy. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Para maiwasan ang magsisi sa huli, kila-lanin muna siya ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 34, 38 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Maagap ka sa iyong mga kilos kaya anumanag problema ay malalampasan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 24, 38 at yellow.

Show comments