^

Kutob

Marso 4, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Suriin ang kalooban para maalis ang poot na hadlang sa tagumpay. Kapag ito ay iyong nagawa, tuloy-tuloy ang daloy ng  kasaganahan sa buhay mo. Matutupad na ang mga pangarap. Lucky number at color for the day ay 13, 21, 27, 49 at fuchsia pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Ang regalong matatanggap ngayon ay isang peace offering para matuloy na ang inyong pagkakasundo. Lucky number at color for the day ang 17, 19, 39, 44 at dollar green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Pansinin ang makulit na naglalambing. May balita siya tungkol sa mataas na grade. I-encourage pa siya sa kanya pag-aaral. Lucky number at color for the day ang 7, 9, 22, 39 at lavender.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ang disiplina sa anak ay partnership effort. Mag-practice ng family council upang mapag-usapan ang mga family issues. Lucky number at color for the day ang 8, 31, 44, 7 at bronze.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Hahamunin ang iyong creative expression. Walang pagdadalawang-isip na mailalabas ito. Tagumpay mo ang mananaig. Lucky number at color for the day ang 3, 9, 33, 44 at blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) –Magiging masaya kung sasagutin ka ng nililigawan. Malaki ang pag-asa na maging romantic lover kayo sa takdang panahon. Lucky number at color for the day ang 19, 27, 39, 41 at purple.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Pag-aralang mabuti ang negosyong inaalok sa’yo. Ito ang ugat ng iyong pagiging milyonaryo. Lucky number at color for the day ang 13, 15, 27, 31 at moon white.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Maaakit mo ang masaganang buhay. Sadya-ng lalapit ang tao na makakatulong sa’yo sa ‘di inaasahang pagkakataon. Lucky number at color for the day ang 15, 25, 31, 37 at lucky red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –Lumalago ang effects ng iyong mga good deeds. Mararanasan mo ang maswerte sa buhay ngayon. Lucky number at color for the day ang 17, 29, 31, 39 at cyan blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) –Tuklasin ang kalooban ng true love, magda-ragdag ito ng wealth sa iyong buhay. Planuhin ang bawat hakbang. Lucky number at color for the day ang 21, 29, 39, 45 at mocha brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) –Iwasan ang multi-level marketing na negosyo. Dahil mawawala ang iyong investment dito. Maging matalino. Lucky number at color for the day ang 15, 35, 39, 31 at nile green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) –Kahit manalo ka sa debate, ang puso mo para sa madla ang mananatili ngayon at sa mga darating pang mga taon. Lucky number at color for the day ang 19, 25, 37, 44 at tangerine.

HOROSCOPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with