^

Bansa

110 patay dahil sa bagyong 'Paeng' naitala; agri damage lagpas P1-B halaga na

Philstar.com
110 patay dahil sa bagyong 'Paeng' naitala; agri damage lagpas P1-B halaga na
Relatives grieve at a mass burial site where the Sapi family buried seven of their members, victims of the landslide in the nearby village at the height of Typhoon Nalgae, in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, southern Philippines on October 31, 2022.
AFP/Ferdinandh Cabrera

MANILA, Philippines — Lagpas na sa 100 ang namatay at sugatan dahil sa nagdaang Severe Tropical Storm Paeng mula Luzon, Visayas at Mindanao, bagay na nag-iwan din ng mahigit P1 bilyong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Martes, matapos makalabas ng naturang bagyo Philippine area of responsibility.

  • patay (110)
  • sugatan (101)
  • nawawala (33)
  • apektadong populasyon (2,418,249)
  • lumikas sa loob ng evacuation centers (190,525)
  • lumikas pero nasa labas ng evacuation centers (675,456)

Karamihan sa mga nasawi ay nanggaling mula sa Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa bilang na 59.

Marami sa mga namatay ay dulot ng pagkalunod dahil sa baha, pagguho ng lupa, pagkasakal sa putik, atbp.

Kasama sa mga residenteng naapektuhan ng naturang bagyo ang:

  • Ilocos Region
  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • Central Visayas
  • Eastern Visayas
  • Zamboanga Peninsula
  • Northern Mindanao
  • Davao Region
  • SOCCSKSARGEN
  • CARAGA
  • BARMM
  • Cordillera Administrative Region
  • National Capital Region

"A total of 6,542 damaged houses are reported in Region 1, Region 2, Region 3, MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, BARMM, CAR, NCR," sabi pa ng NDRRMIC.

Umabot naman na sa P1.29 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura ang idinulot ng bagyo, ang pinakamalaki ay mula sa Gitnang Luzon. Nakaapekto ang nabanggit sa 53,575 magsasaka at mangingisda na sumasaklaw sa lagpas 58,000 ektarya.

Tinataya namang aabot sa P760,361,175 halaga ang pisalang idinulot ng sama ng panahon sa impastruktura.

Sa kabila ng trahedya, hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang una nang mungkahi ng NDRRMC na ilagay sa state of calamity ang buong bansa ng isang tao.

Nakapagbigay naman na ng tulong sa porma ng family food packs, hygiene kits, tents atbp. sa sari-saring bahagi ng bansa, na siyang nagkakahalaga ng P50.32 milyon.

Kasalukuyang nakalagay ang nasa 160 lungsod at munisipalidad sa state of calamity ngayon dahil sa insidente, na isa sa mga pinakamalalang trahedyang kumaharap sa administrasyong Bongbong. — James Relativo

CASUALTY

DAMAGE

NDRRMC

PAENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with