^

Kutob

March 11, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) May kakaibang kaalaman kang matututunan kaugnay sa mga rituwal. Iwasang magsimula ng panibagong gawain kung hindi pa tapos sa una. Maaaring ikapagod ang pagpapasaway ng isang kasamahan. Huwag akuhin ang lahat para hindi ka maaburido.  Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 33, 44 at cherry red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Masama ang iyong gising dahil sa pagtatalak ng kapitbahay. Mag-exercise, igalaw ang katawan at mag-isip ng mga inspiration. Malaking tulong ang pagbabasa ng Bibliya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 27, 31 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang mga social connection sa mga helpful people ay makakatulong para nakapagpa-feng shui. Pakinggan ang payo ng mga magulang, hangad lang nila ang iyong kabutihan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 33, 44 at pearl white.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Sundin ang kutob upang matuklasan ang iyong divine life purpose. Tagumpay ang posibleng matamo sa mga aklat na isinusulat. Maging alerto para matunugan ang paparating na oportunidad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 21, 35, 44 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Nakamit mo ngayon ang iyong financial freedom. Natapos mo nang bayaran ang lahat ng iyong loans. Magsimula ng bagong project at tiyakin na maging hands on ka rito para magkaroon ng kapaki-pakinabang na resulta. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 31 at tangerine.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magpa-aura cleansing para makakawala sa kabiguan sa pag-ibig. Ang effect nito ay aakit ng tugmang partner at masaganang suwerte sa buhay. Kung may pagkakataong tumulong, gawain dahil ang kapalit nito ay pagpapala. Lucky numbers at color for the day ang 9, 25, 33, 41 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mag-brain storming sa paggawa ng work plan. Gumawa rin ng group visions upang maging buo ang iyong pangarap. Ang lahat ng pagsisikap ay lakipan ng panalangin para matamo ang gabay ng Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 11, 25, 33, 41 at peach.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Merong kapangyarihan ang salita. Mag-ingat sa wish dahil matutupad ito at sikapin na laging positibo ang motibo ng iyong puso. May magpapapansin sa’yo, huwag itong ikagalit dahil type ka niya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 27, 37 at redrose.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ayusin ang iyong team para magawa nang mabilis at epektibo ang proyekto. Huwag mabahala dahil matatapos ang lahat sa takdang oras. Bigyan ng reward ang sarili sa sandaling ma-accomplish na ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 13, 27, 35, 44 at baby pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang dating childhood sweet heart ay masasalubong mo sa mall. Sa ganitong kaganapan, muling magigising ang natutulog na damdamin na parang sleeping beauty effect. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 39, 49 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Sikapin na maging masaya. Think positive na magbubunga ang iyong mga pagsisikap. Huwag lang haluan ng sugal dahil tiyak na mauuwi ka sa kangkungan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 31, 33, 44 at lavender.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mag-ingat sa ligaw na bala dahil maaakit mo ito. Alagaan ang iyong kalusugan para ma-enjoy ang iyong retirement. Nakakabata kapag meron kang sense of humor. Lucky numbers at color for the day ang 13, 27, 37, 45 at canary yellow.

MARCH 11

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with