Abril 27, 2017

Pagtitibay: Hindi ako mangangamba, kundi magtitiwala lang sa katapatan ng aking Manlilikha.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hayaan ang sinumang nagpapakita ng pagpahanga sa karamihan. Iwasan ang pumutok ang butsi sa ginagawa ng iba. Panatilihin ang pagpapakumbaba. Huwag hayaan na  magpakita ng kayabangan ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Ang nararamdamang sakit kung mayroon ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili­ makapaglalakbay sa ibang lugar upang maiba ang takbo­ ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa pagsusugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hayaan na maging malaya sa ano mang gawain ang minamahal. Ang pagpaparaya ay hindi pagbabalewala, kundi pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mag-alala, ang kapalit ng pagtiwala ay walang hanggang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

LEO (Hulyo  23 - Agosto 22) – Huwag maging magastos kahit may pera, dahil isa sa mga araw ay tiyak na may pagkakagastusan na mahalagang bagay. Mabuti na laging may nakatagong pera sakaling kailangan dahil may magagamit. Maging matipid. Simulan ang pagse-save. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 42 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Hayaan na ma­ram­daman ang sarap ng tagumpay na malamang ngayon ay matamo. Unti-unti ay makikilala ka sa lara­ngang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA (Seyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali kung mahalagang bagay ang kasangkot. Anuman ang  desisyong ginawa dapat panindigan,  mali o tama ito. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maaaring ang dalawang mangingibig ay magtanong kung sino nga ba ang iyong pipiliin. Maaari ang kasintahan ay magyaya nang pakasal. Tiyakin na ang pasiya ay ginamitan ng tamang pag-iisip at bukal sa damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o pag-ibig. Ano man ang balita, huwag hayaan na  maka-apekto ito sa sarili. Mareresulba ang anumang suliranin dahil nasa tabi lamang ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Upang ma­kasiguro sa nais malaman, kausapin nang masinsinan ang sinisinta ng maliwanagan. Huwag kimkimin kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang maging ma­pagbibigay at maalalalahanin ang tanging paraan upang mapalapit sa damdamin ng lihim na minamahal. Kung may suliranin sa pag-ibig, makakahanap ng tamang paraan na matugunan kung pagsisikapan. Iwasan ang maging masungit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos upang matiyak na maging maganda ang impresyon ng kapwa. Baguhin ang masamang ugali para makuha ang atensiyon ng kapwa. Iwasan ang magyabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 40 at pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Iwasan ang maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis sa iyo ang nakapaligid. Kung ano ang nais ay huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ikasira ng sarili. Bawat kilos tiyakin na nasa panig ang ikakasaya at kabutihan ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

Show comments