^

Kutob

Abril 20, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Sapat na dahilan si Kristo para malampasan ang lahat ng pagsubok ko.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –  Malamang makasagupa ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi makakalimutang experience. Mapagtutuunan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Haharap sa maraming katanungan kaya nakasentro ka sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 43 at yellow.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung single, matutuon ang atensyon sa pagpaplano sa pag-aasawa o pagpapakasal. Kung married, nakatuon ang pansin o atensyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid na kakaibang balita ang may inisyal na A o E. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang kapwa Taurus o Aries. Lucky numbers at color for the day ay 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) –  Magkakaroon ng mara­ming gawain. Pagtuunan ng pansin at dobleng pag-iingat ang ginagawa o gawain. Tapusin ang sinimulan bago magsimula nang panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na kung tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 25, 43, 45 at yellow.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Kung may balak na maglakbay sa malapit o malayo, maisasakatuparan nang walang sagabal. Mauunawaan kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay. Mahahanapan ng solusyon ang problema. Walang problema tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 20, 32, 39 at jade green.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang kapwa Leo. Makakasagupa nang kagipitan sa pera kung hindi magiging maingat sa pag-gastos. Hindi maiiwasan na magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan ng isang Cancer o Pisces. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ng isang kapwa Virgo, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos sa sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok sa pag-ibig, relasyon o sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at crimson.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Malaki ang bahagi ng Pisces na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kailangan timbangin ang mga pangyayari. May magandang balita ang kapwa Libra. Magbibigay ng aspetong legal ang isang Scorpio. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kalituhan ang hatid ng Gemini na maaaring pagmulan ng selos o inggit. Malaki ang magiging papel ng Capricorn upang mapokus ang atensyon sa paga-abroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon ng may pangalan na ang unang titik ay A, C at D. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ingatan ang kalusugan. Walang problema sa aspeto ng pag-ibig. Kailangan ang masusing pagpaplano tungkol sa pinansyal. Ang kapwa Sagittarius, Capricorn o Pisces ang maaaring makatulong sa kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-ingat sa mga gamit lalo na sa mga alahas at pera, itago itong mabuti. Habaan ang pasensya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho at pamilya. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at ocean blue.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag magpabigla-bigla sa aksyon at desisyon. Maitutuon ang atensyon sa health care o kung papaanong mapapaunlad ang buhay. Malaki ang magiging bahagi ng kapwa Aquarius, Capricorn o Aries ngayon. Maging kalmado at huwag magpabigla-bigla kung may hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Malaki ang magi­ging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Ipokus ang wastong pag-gawa sa trabaho nang hindi magkamali. Mag-invest sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitasyon dahil maaaring dito makilala ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at white.

ARIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with