^

Kutob

Marso 13, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Pinipili kong maging masaya, anuman ang hatid ng bawat araw sa buhay ko. Dahil alam kong mahal ako ng aking Manlilikha at hindi ‘yun magbabago.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal kaya dapat alagaan nang hindi masira. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

ARIES ( Marso 21-Abril 19) – Nakakadismaya o hindi magandang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na makaapekto ito sa sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin kaya magpakahinahon na hanapin ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May mga bagay kang pinagdududahan sa minamahal. Kung nais na makasiguro, kausapin nang masinsinan para magkaliwanagan. Huwag kimkimin kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, walang masama kung ipagtatapat at kung malinis ang pakay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos upang matiyak na magiging maganda ang impresyon ng ibang tao. Ang maging natural ay sapat na para makakuha ka ng mga matatapat na kaibigan. Iwasan ang pagmamayabang dahil ang balik ay kahihiyan sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag maging magastos kahit may pera dahil darating ang panahon na may pagkakagastusan, mahalagang bagay na hindi maiiwasan. Mabuti nang laging may naitatagong pera para mayroong madudukot kung kinakailangan. Maging matipid at simulan ang mag-save. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Unti-unting makikilala ka sa larangang kinabibilangan o inyong barangay. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, masagana ang kita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak sa sarili kung ano ang puno’t dulo. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali at lalong hindi biglaan. Alalahanin ang desisyon, pinag-iisipan ito nang mabuti upang hindi pagsisihan. Kung hindi nakakatiyak, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kaila­ngan magdesisyon at magpasya kung sino o ano ang gusto. Maaaring ang dalawang interesado sa iyo ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin o maaari ang kasintahan ay magyayaya nang magpakasal. Tiyakin ang desisyon ay galing sa puso at napag-isipan ng husto. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 32, 40 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Iwasan na maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang mga nasa paligid ng dahil sa iyo. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ito ang ikakasira. Bawat kilos, tiyakin na pabor sa iyong panig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magpakumbaba at huwag hayaan na umiral ang kayabangan. Mataas ang iyong pride na kapag walang disiplina, mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat sa iyong gusto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at jade green.

AQUARIUS ( Enero 20-Pebrero 18) – Ang nara­ramdaman mong sakit ay mapapawi. Kung may balak magbakasyon, pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng hangin. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with