^

Kutob

Marso 11, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Magpatuloy man ang pananadya, panghahawakan ko ang katapatan ng aking Manlilikha. Siya ang aking katwiran, tagapagtanggol at agarang tulong sa oras ng pangangailangan.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag ipagwalang-bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin nang buong tatag at pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging tama o mali. Magdahan-dahan sa anumang ginagawa o gagawin upang maiwasan ang magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 27, 37 at aquamarine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit ka sa pag-ibig at kung walang control ay mapapahamak. Pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya o ikalulungkot. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 32, 42 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng tra­braho o makakarinig ng hindi maganda. Maipapakita ang kaalaman at husay na hahangaan ng kasamahan o ng boss kung maganda ang mood. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 23, 31 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kapos sa pera ang suliranin subalit kung pagsisikapan ay matutugunan ng kaibigan, kamag-anak o kasambahay. Gaano man kasakit sa kalooban na paglabanan ang gustong bilhin, tiisin dahil kapos ka ngayon. Unahin ang pangangailangan sa tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 33, 42 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging maswerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer o buy and sell ang negosyo. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman sa pag-ibig. Iwasan ang makipag-date. Malamang may alitan na mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 19, 20, 24, 37 at blue sapphire.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan nang mabuti bago magsalita o humatol para hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 26, 33 at pink.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang tsismis o magtsismis. Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makakapagpainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan o maibigay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 29, 39 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang gawain na hindi napapansin o nagawa noon ay mapaglilibangan ngayon. Malakas ang magneto nang pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Ang panahon ng pagre-relax ay bagay upang makapag-isip ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 22, 27 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May gantimpla na naghihintay sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin at gustong gawin kung mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 18, 28, 38 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang makapag-isa sa tahanan, maging sa mga kasamahan at kaibigan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 33, 42 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Bagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may nag-aayang makipagsosyalan. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 37, 38 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 33, 41 at scarlet.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with