^

Kutob

Marso 10, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Inaangkin ko ang tagumpay dahil alam kong makatarungan ang Maykapal sa lahat nang pagkakataon.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag sumuko kaagad. Magtiis at magtiyaga sa harap ng pagsubok. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin ay makukuha sa isang iglap lang. Sa pagtiyaga at pagsisikap ang kapalit ay tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka sa patutunguhan. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13,25, 33 at maroon.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag labis na pagtuunan ng pansin ang isang bagay dahil mabababalewala ang iba na dapat pakinabangan. Huwag magmadali dahil lalo ka lamang magkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa katuparan ng pangarap. Maaaring sa sobrang pagpansin sa isang bagay, may makakaligtaan ka na lalong mahalagang bagay. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa iyong buhay. Siya ang magsisilbing guro upang matutunan mo ang maraming bagay sa buhay. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, magkakapag-isip ng hindi maganda. Panatilihin na nasa maayos ang mga bagay. Magiging positibo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Nasa iyo ang katangian at kakayahan, kailangan lamang pag-ibayuhin at ayusin ang mga kaunting bagay. Tiyakin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat nang sa ganoon ay maisaayos ang mga magulong sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mahalagang magplano at isipin ang gagawin nang makaiwas sa pag-aaksaya ng oportunidad at panahon. Huwag magmadali kung sa tingin ay walang magandang oportunidad ang darating. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutuhan. Hindi man lubusang maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman. Marami kang dapat pag-aralan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan dahil magsasayang ka lamang ng pagod at panahon o kapahamakan ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sa halip na maghanap o maghangad ng ibang bagay, bigyang halaga at pansin ang mga bagay na mayroon ka. Iwasan na manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang isang babae o lalaki na makakapagpatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with