Marso 6, 2017

Pagtitibay: Bagong araw, pag-asa. Lahat ng mabubuting bagay ang mangyayari sa buong araw ko. Purihin ang mabuting Manlilikha ko.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pag-aralang mabuti ang desisyon ng isang kaibigan hingil sa isang problema. Kailangan mong mamili ng kaibigan upang maiwasan ang masamang impluwensiya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 15, 32 at ocean blue.

ARIES ( Marso 21-Abril 19) – Pag-isipan nang mabuti ang gagawing desisyon sa araw na ito. Maaaring maging dahilan ito ng malaking pagkalugi sa negosyo o pagkapalpak sa mahalagang bagay. Huwag agad maniniwala sa sabi-sabi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 17, 25 at blue gray.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magiging makakalimutin ka sa araw na ito. Kung kailangang isulat ang mahahalagang bagay, dapat gawin. May magbubunyag ng sikreto. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 28, 33 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Magkakaroon ng pagkabagot sa sarili dahil sa problema sa pag-ibig o kaya problemang mag-asawa o pinansyal. Hindi mauunawaan ang mga pangyayari sa paligid na ang pakiramdam ay parang lumulutang sa hangin. Mag-ingat baka maaksidente. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 36, 42 at cream.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magpaparamdam ang mga kaibigan ng kanilang pagtatampo sa iyo dahil sa hindi mo pagtupad sa pangako. Kailangan mo nang magdesisyon tungkol sa nararamdaman. Matutong mag-sorry kung inaakalang nagkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 27, 34 at peach.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kaduda-duda ang ikinikilos ng iyong minamahal. Mayroon siyang gustong ipahiwatig sa iyo kaya maging alerto o kumprontahin para malaman. Kung ano ngayon ang nasa isip, ‘yun ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 20, 30 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Lumapit sa isang kaibigan at magpaturo kung paano kumita ng malaking halaga at tiyak tutulungan ka. Iwasan ang masamang bisyo o gawain na maaaring maimpluwensya ng malapit na kamag-anak o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 15, 32 at pink.

LIBRA (Setyembre  24-Oktubre 23) – Balansehin ang ginagastos at kinikita. Maaaring malaki ang gastos sa pumapasok na kinikita. Gumawa agad ng paraan upang maisaayos ang pagkakamali. Mahusay na pagba-budyet ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 23, 36 at apple blue sapphire.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magi­ging positibo sa pananaw sa buhay. Huwag isipin ang paninira ng isang malayong kaibigan dahil malaki ang epekto nito sa iyong kaunlaran. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil nasa tamang landas ka ng kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 13, 32, 41 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mag-ingat at huwag maniwala sa sinasabi ng minamahal. Hayaan mong ipakita niya ang totoong pagkatao. May balakid sa binabalak gawin pero magtatagumpay kung itutuloy. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 30, 39 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Isang matalik na kaibigan ang dadalaw sa iyo. May dala siyang pasalubong. Mag-ingat sa pagkain ng karne dahil ito ang magiging daan nang pagkakaroon ng sakit sa puso. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 32, 41 at tangerine.

AQUARIUS ( Ene. 20-Peb. 18) – Magtatagumpay ka sa nais na mangyari sa pag-ibig kung walang bahid na masama ang pakay. Hindi mo mapapansin ang pananakit ng katawan dahil pag-ibig ang naghahari sa puso. Sisimulan mo ang bagong pamamaraan ng pagba-budget. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 16, 37 at fiery orange.

Show comments