^

Kutob

Pebrero 16, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hakbang-kahandaan ang pagtitipid. Ito ang pag­sisikapan kong maisagawa para masigurong may madu­dukot sa sandali ng pangangailangan ng pa­milya.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang magsinungaling. Iwasan ang maging magagalitin. Magkakaroon ng mala­kas na disiplina sa sarili. Huwag patagalin ang isang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. May pagkakataon na makabili ng bagay na hindi kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 35, 40, 42 at Gold Yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang manghiram at magpahiram ng pera. Iwasan ang maging emos­yonal sapagkat ito ang sisira ng maganda mong araw. Maging mahinahon at iwasan ang maging pikon. Makakatulong ang ilang mga kaibigang tapat at nagmamalasakit kung kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 40 at Ruby Red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang pagmamadali ay magbubunga ng pagkakamali na dapat iwasan. Ang pagkakamali ay malamang maulit kung hindi mag-i­ingat. Sikapin na maging maagap sa pagtupad sa iyong gawain. Ugaliin ang mag-ipon para sa magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 31, 38 at Peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magtiwala sa sariling­ kakayahan at tiyak magtatagumpay. Magi­ging suliranin ang hinaing ng puso o ang suliranin ng isang kaibigan. Pasalamatan ang anumang biyayang tinatamasa at magbahagi sa nangangailangan. Ang pag­gawa sa loob at sa kapaligiran ng bahay ay mahalaga. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at Green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan ang ma­galit nang hindi alam ang mga detalye. Paghandaan ang anumang pagkakataong darating. Isang pakiki­salamuhang sosyal ang mararanasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 26, 39 at Yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang aspetong pinansiyal ay siyang makakapagpabago para humanap ng ibang mapagkakakitaan. Mag-ingat sa anumang ginagawa para maiwasan ang disgrasya. Maa­aring magbunga ng pagkakamali ang pagkamakakalimutin. Iwasan ang tukso ng karangyaan. Ang hinihintay at pinananabikang balita ay darating o matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 22, 40, 41 at Purple.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Mag-ingat sa kilos at pananalita nang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa. Pag-ukulan ng pansin ang pakikisama sa kasambahay at katrabaho. Makakaasa sa katapatan ng kaibigan na handang tumulong kung kakailanganin. Ang pa­ki­kisalamuhang sosyal ay magiging masaya. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 35, 38 at Red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho at kasambahay. Iwasan ang mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan. Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo. Huwag patangay sa bugso ng damdamin dahil may bantang mapapahamak. Madaling matutugunan ang suliranin sa pera. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 35, 39 at Corn Yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Isang pagsubok ang magaganap na kailangan ang karunu­ngan, talino at pag-iingat mula sa boss o tungkulin. Isang malapit na kamag-anak ang tatawag upang humingi ng tulong. Ang suliraning pangpamilya ay madaling malu­lutas kung pagtutuunan ng pansin. Maaayos ang takbo ng gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 27, 42 at Violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag itali ang pananagutan sa mahigpit na pangako dahil hindi matutupad. Bigyang halaga ang panig ng iba. Higit mong magugustuhan ang pamamalagi sa bahay. Kasaganahan ang hatid ng araw kung iiwasang magalit. Makakamit ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 16, 33 at Blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. May pakinabang na pinansiyal ang dadaluhang sosyalan. Matutupad at maibibigay ang matagal nang naipa­ngako. Iwasang gumawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 24, 34 at at Jade Green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin. Malalantad ang magandang pagkakataon na matagal nang hinahangad. Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Iwasan ang drama para magampa­nan ang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 39 at Orange. 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with