Pebrero 8, 2017

Pagtitibay: Gaano man maging paulit-ulit ang ulam sa lamesa. Lubos akong nagpapasalamat sa Maykapal dahil may pagkaing pumapawi sa bawat gutom ng aking pamilya. 

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpadala sa emosyon, lalong lalala. Magpasalamat dahil sa tulong ng signos ay madali kang makakahagilap ng solusyon. Magiging mabilis ang positive respond kung tututukan ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 19, 32 at White.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  May kasabihan na kung ano ang ginawa ay siya rin ang gagawin sa iyo. Huwag magtaka kung may tao o bata na walang galang sa iyo. Panahon ng pagbabago sa masamang ugali at alam ng sarili kung ano ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 34, 37 at Baby Pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may alitan sa nakaraan, ito ang tamang panahon para ayusin dahil magiging magaan ang solusyon. Ang inaakalang mahirap gawin ay magaan na magagampanan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 32, 40 at Aquamarine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ngayon sundin kung ano ang dikta ng isip at damdamin at tiyak tagumpay ang matatamo. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin. Kilos kaagad dahil malaki ang pakinabang na naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 36 at Honey Yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Huwag mag-alinlangan na ipakita ang kanilang inaasahan, dahil dagdag ito ng respeto sa sarili. Mapagtitibay ang harmoniya sa tahanan o pinapasukan. Maaayos at walang suliranin ang takbo ng pang araw-araw na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 26, 41 at Red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Ang maging presko ay magdudulot ng maraming sama ng loob. Baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang mga inaakalang kamaliang nagawa kung sisimulang baguhin, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 28, 34 at Pearl Pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Masamang balita dahil may mabubuong hinala sa isipan ng minamahal o boss. Kung ano ang itinatago, tiyakin na hindi madidiskubre dahil ito ang pagmumulan ng gulo. Kung hindi mag-iingat, ang itinatago ay malalantad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 23, 38 at Beige.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maging kalmado at mahinahon dahil makakasagupa ka ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasan na mag-init ang ulo. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan at pagsisisi ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 22, 34 at Citrine Yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May dahilan na maging malungkutin ka, kaya ang dapat hanapin ay ang paraan upang sumigla. Malamang may mawawalang bagay subalit ang maliit na bagay na ito ay may kapalit na doble kung ipagdarasal na makatulong sa nakakuha o nakadampot. May mawala man, ipagpapasalamat mo ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 26, 34 at Tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Sa ka­gipitan malaking pagkakataon na malantad ang likas na talino. May mga hindi inaasahang pangyayari na magaganap, dapat itong ipagpasalamat. Minsan may mga pangyayari na makakapagbukas ng tamang landas sa kaunlaran. Mangyayari ito ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 27, 41 at Mint Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Nasa gitna ka ng tungkulin at pamilya na kapwa ka kailangan. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat at hindi ka magkakamali. Anuman ang desisyong gagawin kung magiging matatag at buo ang loob, tagumpay ang makakamit. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 23, 40 at Yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Dahil walang balita sa isa’t isa, huwag magtaka kung napalitan na ng iba. Huwag mawalan ng pag-asa sa mga pagpa-follow-up dahil kung may tiyaga, may mapapala. Huwag pilitin dahil kung sadyang ukol ay talagang bubukol. Lucky numbers at color for the day ang 8, 25, 39, 42 at Dollar Green.

 

 

 

 

 

 

 

 

Show comments