^

Kutob

Pebrero 3, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kasaganahan, kapa­yapaan at kaligayahan ang kinabukasang laan sa akin ng aking Manlilikha.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) –  Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito lamang ang tanging paraan para maiwasan ang samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at Jade Green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Iwasan ang maging agresibo. Dahil sa halip na mapalapit ang loob ng minamahal ay mawawalan ng tiwala sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 36 at Blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging masaya ang simu­la ng umaga. Ang matagal nang balak ay maisasakatuparan. Suportado ka ng pamilya kaya huwag mag-alala. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 41 at White.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Masaya ang minamahal ngayon dahil naging mapagparaya ka. Huwag mangamba dahil ang lahat ng ito ay kanyang nakikita at nadarama. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 38 at Light Blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Sa bawat araw na nagdaan, nakakaramdam ka ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ngayon ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 33, 37 at Baby Pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Kung ito ay hindi mapaglalabanan, hahantong sa pag-iisip na sisirain ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 37 at Gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Huwag mainis kung magiging  makulit ang mga taong nakapaligid sa iyo ngayon. Dahil sadyang lapitin ka ng kagaya nila ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 29, 37 at Oak Brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang. Lalo lamang makakasama sa binabalak ang desisyon na walang katuturan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 26, 37 at Lilac.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging masaya ang susunod na mga araw, sad to say na ngayon ay matamlay ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at Pale Yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib at kimkimin ang sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35, 42 at Yellow Orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Problemado man, makikilala naman ang tunay na mga kaibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na upang maging magaan ang susunod pang mga pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at Sky Blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Maging maingat sa mga salita nang hindi mapahiya sa kapwa. Subalit huwag damdamin, dahil maka­kabawi ka rin sa ibang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at Old Rose.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with