^

Kutob

Pebrero 2, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang simula ng karunungan ay ang pagkilala sa iyong Manlilikha. 

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magkakaroon ka ng kumpetensiya na susubok sa iyong kakayahan. Maaaring magkaroon ng diskuntento ang pinaglilingkuran sa iyong performance o dahil sa tsismis. Mag-ingat dahil may nagbabalak na sirain ka. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 44 at White.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Magkakaroon ng pagtatalo tungkol sa pera. Nakatakdang magkaroon ng problema sa karelasyon na dapat ayusin kaagad para hindi lumala. Huwag idaan sa galit o init ng ulo ang pagreresulba sa problema. Diplomasya ang dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 28, 38 at Orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging daan ka sa pagbabati ng miyembro ng pamilya na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Maganda ang pasok ng pananalapi. Magkakaroon ng sideline na kikita nang malaki. May kaibigan na ikakasal pero hindi ka makakadalo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 37, 45 at Electric Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang magaganap ay nasa iyong panig. Kung mag-a-apply ng trabaho matatanggap ngayong araw. Kung ano ang sinimulan, matatapos nang walang sagabal. Walang magiging problema sa trabaho at sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 13, 39 at Emerald Green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan kaya mananaig ang pamamasyal. Malamang makakapunta sa lugar na hindi pa nararating. Kung nag-aaral, mas lamang ang mag-absent at mamasyal kaysa pumasok kaya dapat paglabanan. Lucky numbers at color for tthe day ang 7, 23, 34, 41 at Oak Brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Siguraduhing hindi mawawala  ang tiwala nang nakakataas sa kompanyang pinapasukan. Magkakaroon ng taong maiinggit dahil sa tagumpay na inaani. Walang magiging problema sa tahanan subalit magkakaroon ng gusot sa pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 42 at Orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Pairalin ang diplomasya. Malamang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng kapitbahay o kasamahan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kung magiging mahinahon at maunawain, marami ang hahanga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 27, 37, 41 at Electric Blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magiging magiliw at handang makiisa ang pamilya sa layunin o binabalak. Malamang magkakaroon ng bagong manliligaw o pag-ibig. May magtatangkang makialam sa trabaho o desisyon. Isang Leo ang magbibigay ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 32, 42 at Tan.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi mo akalain na siya pala ang iyong secret admirer. Pag-isipan nang mabuti ang pagsali sa grupo para hindi magsisi. Maging praktikal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 27, 35 at Metallic Silver.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ipagpaliban ang anumang binabalak na pagbabago sa tahanan, opisina o trabaho. May balakid sa larangan ng pag-ibig ngayon. Kung may asawa, malamang pinagdududahan ka o siya ang may nadaramang pagka-akit sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 8, 28, 35, 39 at Avocado Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Sa kabila ng maliit na kabiguang mararanasan, made-develop ang abilidad. Magkakaroon ng dagdag na kaalaman. Maisasaayos ang kalagayan ng buhay. Huwag matakot na makipagsapalaran sa negosyo dahil uunlad kung sisimulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 22, 37 at Dollar Green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  May susubok ng iyong pagtitimpi. Ngayon mo gamitin ang iyong hinahon at talino. Huwag mainip sa paghihintay ng kausap dahil maaalintanang dumating. Bibigyan ka ng ligaya ng isang Taurus subalit bubuwisitin ka naman ng isang Aries. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 15, 30 at Aquamarine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with