Enero 8, 2017
CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung ikaw ay nanaginip, kabaligtaran ang mangyayari. Walang magiging problema sa maghapon, maliban sa makakaranas ng pagod o pananakit ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 28, 38 at beige.
AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magandang gantimpala ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Sa nakagawa ng kasamaan, masama ang matatamo dahil oras ng paniningil at pagbabayad sa ginawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 23, 31 at white.
PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may lakad o lalakarin gawin sa umaga upang magtagumpay. Iwasan kumilos pagkalipas ng tanghali dahil walang mapapala at mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram o magpahiram ng anumang bagay dahil hindi maisasauli o mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 24, 34 at violet.
ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung inaasahan na suportado ka ng iyong boss o ng nakakataas, nagkakamali ka dahil wala kang makukuhang suporta kahit kanino ngayon. Sariling diskarte mo ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 14, 22, 29, 34 aat pink.
TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung positibo ang isip o iisipin, hindi magkakamali sa mga gawain lalo na kung may pagdedesisyunan. Malamang isang Virgo ang makapagbigay ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 34, 46 at green.
GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Alam ng sarili ang masamang ugaling umiiral. Kung babaguhin, tiyak magbabago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Maging totoo, prangka at tapat. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 25, 27, 34 at golden yellow.
CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung ano ang pinapangarap, sarilihin. Huwag ipagsasabi o ikuwento upang hindi masabing nagyayabang. Kilos at gawin lahat nang makakaya upang matupad ang pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 28, 38 at yellow.
LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Hingiin ang opinyon ng higit na nakakaalam dahil nasa pagitan ka nang pagkakamali at tama. Duda ka sa sarili kung ano ang dapat gawin. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 19, 33 at tangerine.
VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May pagkakataon na makasagupa ka ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyayari ito, pairalin ang pasensiya para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 41 at apple green.
LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung matamlay o hindi maganda ang pakiramdam, paniningil lamang nang pag-abuso o pagbalewalang ginawa sa kalusugan. Magandang balita kung walang karamdaman dahil maraming positibong bagay ang magagawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 25, 36 at sky blue.
SCORPPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Aksiyon kaagad sa suliranin dahil kung hahayaan, hahantong sa matinding problema. Maaaring lumaki ang munting problema kung hindi kaagad aaksiyunan. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataon na darating dahil hindi na babalik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 28, 30, 38 at lavender.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may makakasagupa na walang paggalang, ito ay larawan ng sariling gawain. Panahon ng pagbabago sa masamang ugali upang matamo ang paggalang at respeto ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 28, 39, at jade green.
- Latest