Enero 14, 2015

Pagtitibay:  Sikapin na maipagpatuloy ang mga tradisyon na kaugalian at mga modernong gawain para maakit ang matagumpay na kabuhayan.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maaakit mo ang tuluy-tuloy na daloy ng tagumpay kapag naging malapit sa iyong biyenan. Mag-budget ng maayos. Lucky numbers at color for the day ay 44, 39, 11, 21, at  violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Agahan ang pag-follow up sa mga dokumento para madali kang makapagtrabaho. Huwag mapikon sa mapagbirong asaran. Lucky numbers at color for the day ay 22, 29, 33, 51 at mustard yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Makakatulong sa paraan ng supernatural healing ang mga spiritual song na compose mo. Iwasan ang temptation na gumamit ng mga nakakaadik na gamot. Lucky numbers at color for the day ay 17, 11, 29, 33 at cardinal red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mare-recover mo ngayon ang mga pagkalugi. Merong surprise na salapi na maipambabayad ng utang. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 23, 39 at beige.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Matutuklasan mo na merong kumukupit sa iyong paninda dahil sa iyong pag-iimbentaryo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 44, 51 at light green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi makapagtrabaho ng tama ang iyong love kapag puro selos ang gagawin mo. Sapat lang na cash ang dalhin sa pagsa-shopping. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 25, 17 at custard yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Nais makipagbalikan ng dating romantic partner. Ayusin ang daily time record para tama ang sasahurin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 19, 41, 57 at powder.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Suriin ang iyong drivers license baka expired na ito. Mag-ingat sa pagda-drive. Lucky numbers at color for the day ay 27, 33, 39, 48 at shocking pink.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mag-family meeting para maliwanagan ang issues ng financial management ng family. Lucky numbers at color for the day ay 25, 35, 1, 31 at platinum pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Merong bagong sigla at inspirasyon kaya mabilis ang katuparan ng nais mo. Harapin ang nakakainis na tao sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 11, 8, 29, 41 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magandang balita ang darating sa umaga. Merong miyembro ng pamilya na magbabalik para muli ninyong makasama. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 13, 37 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magsisimula sa bagong negosyo. Kailangan ang Feng Shui para maakit ang helpful people. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 19, 55 at peach.

Show comments