^

Kutob

Oktubre 25, 2013

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang laman ng puso ay malalaman sa lumalabas sa bibig. Kaya ingatan ang bibig sa pagbuka kung ayaw mong mapahamak.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak ka na mahal ka pa rin sa kabila ng mga pag­kukulang. Huwag lamang ang sobrang abuso dahil hindi sa lahat ng panahon ay mauunawaan ka. Magpasalamat na hindi pa siya sumusuko sa iyong ugali. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 44 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang iyong pakiwari ngayon ay walang nakakaunawa sa gusto mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan na kahit naguguluhan sa iyo ay hindi ka iiwan. Mananatili siyang nakaalalay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 31, 40 at emerald green. 

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ihanda ang sariling makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ka madadala sa problema nito dahil wala kang magagawang tulong kapag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 17, 32, 45 at beige.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Unahin ang paggawa ng mga mahalagang bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang maghari ang kasalukuyang depres­yon dahil sarili lamang ang parurusahan. Kung kikilos, may solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 22, 37 at maroon.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Magpa­sensiya kahit pikon at galit ka. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang pagka­bagsik. Tiyak  na hindi makapagpipigil kung may mangyayaring hindi maganda. Lucky numbers ay color for the day ay 9, 18, 26, 39 at pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maliksi ang katawan at maganda ang pag-iisip kaya handang sumagupa kahit ano ang ipagawa. Maraming magagawang trabaho ngunit mag-ingat sa sakuna o disgraya. Mag-ingat sa matatalas at matutulis na bagay. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 23, 39 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Wala kang dapat alalahanin kung may mga bagay na hindi tapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol sa oras ang dapat tapusin. Kahit paunti-unti, matatapos din ang tra­baho. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 28, 44 at white.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Hindi uma­­ayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makakapag-isip ng maayos sa araw na ito. Kung may suliranin, huwag luba­yan sa paghahanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 25, 37 at tangerine.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –  Sika­pin kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan dahil darating ang panahon na siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 15, 34 at white.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Malamang yayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kapag nagka­taon, masaya ang kahihinatnan ng pagsasama. Huwag lamang mapag-uusapan ang selos dahil magiging daan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 35, 42 at brown.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magpaliwanag sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya o saktan kundi nais mo lamang itama ang pagkakamali, na kung hindi mo gagawin ay tiyak mapapasama ka­ yong lahat. Sabihin ito ng maayos at asahan na maunawaan ka nila. Kailangan ang maliwanag na paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 40 at mint green.     

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Malamang hindi maiiwasan ang mapa­iyak sa mangyayaring hindi kanais-nais. Hindi masama ang umiyak kung hindi kaya ng ka­looban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa sumisikip na dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 23, 39 at red.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with