^

Metro

Driver na may pekeng ‘7’ plaka, sumuko na

Angie dela Cruz, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Driver na may pekeng â7â plaka, sumuko na
Iniharap ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang driver ng SUV na may ‘No.7’ na si Angelito Edpan ng Orient Pacific Corporation. Inis­yuhan ng LTO ng violation ticket si Edpan.
Kuha ni Miguel De Guzman

May-ari ng SUV kaanak ng senador

MANILA, Philippines — Humarap na sa Land Transportation Office (LTO) ang driver ng SUV na may “No. 7” plate na si Angelito Edpan ng Orient Pacific Corporation kung saan mahaharap ito sa patung-patong na kaso.

Sa isinagawang press conference, sinabi ni Director Francis Almora, hepe ng Law Enforcement Service ng LTO na bukod sa pagkumpiska sa driver’s license ni Edpan, kakasuhan ito ng disregarding traffic sign na may multang P1,000, paglikha ng epekto sa mga motorista at muntik pagbangga sa traffic enforcer na may paglabag na reckless driving na may multang P2,000 at paggamit ng sasakyan na nilagyan ng plate number 7 at hindi paggamit sa regular plate ay paglabag sa executive order 56 ay may multang P5,000.

Nilinaw naman ni LTO Asst Secretary Vigor­ Mendoza na ang mga penalties ay ipapataw sa driver dahil sa nagawa nito at maaaring madag­dagan pa depende sa resulta ng kanilang ginagawang imbestigasyon.

“No LTO protocol plate issued to them. Liability ito ng registered owner“ ani Mendoza.

Ang SUV ay nakarehistro sa Orient Pacific Corporation.

Ayon naman kay Edpan sinubukan lamang niyang dumaan sa Edsa Bus way dahil sa pagmamadali at agad na maihatid sa East Ocean Restaurant ang kanilang guest na hindi nito pinangalanan. Matagal na aniyang nakalagay sa nasabing sasakyan ang No.7 na plaka.

Kadalasan aniyang ginagamit ang SUV bilang company car para sa mga guest investor ng kompanya. Samantala, kinumpirma naman ni Senador Raffy Tulfo na kamag-anak ng isang senador ang may-ari ng SUV na Cadillac Escalade.

“Base po sa aking intel report, dumating itong pasahero nung Nov. 3 sa NAIA Terminal 1 via PR 427 from Narita, Tokyo to Manila arrival time 6:06 pm. Now, lumabas ng NAIA terminal around 6:30 pm. Gumamit siya ng Skyway north bound going to Magallanes and nag-exit sa Edsa north bound,” ani Tulfo.

Kasama rin umano ng may-ari ng SUV ang kanyang security na da­ting miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“That’s why we will coordinate with the AFP para alamin, tukuyin kung sino ‘yun. At siyempre ‘pag natukoy ‘yun, kakausapin natin ‘yung security most probably baka sabihin niya kung sino kanyang VIP (very important people),” ani Tulfo.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with