PCG: Paglalayag ng mga bangka sa Romblon, Occidental Mindoro tigil muna
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe ng maliliit na sasakyang pandagat nitong weekend sa karagatang sakop ng mga lalawigan ng Romblon at Occidental Mindoro.
Sa paabiso ng PCG na ipinaskil sa Coast Guard District Southern Tagalog, nabatid na ang suspensiyon ng sea travel ay ipinatupad simula nitong Sabado ng gabi at nitong Linggo, bunsod na rin ng forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ng masamang panahon sa lugar.
Sa babala ng PAGASA, magkakaroon ng malakas na “gale-force wind” sa southern seaboards ng Southern Luzon, kabilang ang Romblon at Occidental Mindoro.
Nangangahulugan ito na suspendido muna ang lahat ng biyahe ng mga barkong may 250 gross tonnage o mas mababa pa, gaya ng mga motorized passenger boats at mga bangkang pangisda.
- Latest