Bastos na bayaw


Dear Dr. Love,

Hindi ako tumutol nang sabihin sa akin ng asawa ko na pipisan sa amin ang kanyang kapatid na lalaki na college student.

Siya kasi ang nagpapaaral dito at dapat kong suportahan ang pasya niya.

Sa probinsiya kasi nakatira dati ang bayaw ko, kasama ang aking mga biyenan.

Mag-iisang taon na namin siyang kasama sa bahay at sa loob ng panahong ito, nakita ko ang kanyang kabastusan.

Minsan, kung wala ang mister ko ay bigla na lang papasok sa aming silid at tinityempuhang ako ay bagong paligo at nagbibihis.

Hindi minsan lang nangyari ito at isinumbong ko siya sa asawa ko na laging nagsasabi na magpasensiya na lang ako.

Ano ang gagawin ko?

Elva

Dear Elva,

Dapat pagsabihan ng asawa mo ang iyong bastos na ba-yaw at kung hindi pa titigil ay palayasin na sa inyong poder. Maaari naman siyang mag-board sa dormitory at hindi naman lubhang mahal iyan.

Kahit mahal ng asawa mo ang kapatid niya, asawa ka niya at ang pambabastos nito sa iyo ay paglapastangan din sa asawa mo.

Huwag ninyong hayaan na siya pa ang magiging dahilan ng pagkawasak ng inyong pagsasama na mag-asawa.

Dr. Love

Show comments