Nasira ang pangarap
Dear Dr. Love,
Ako po ay isinilang sa napakahirap na pamilya. Tawagin n’yo na lan akong Erwin, 22 anyos at binata pa.
Nag-aaral ako sa college pero irregular dahil working student ako. Sa pagtatrabaho ko, nakaipon na sana ako ng mahigit P100 libo pero ito’y nawala matapos akong ma-engganyo ng kaibigan ko na mag-invest sa isang pyramid scam.
Hindi ko siya masisisi dahil pareho lang kaming nabiktima. Kaso, apektado ang aking pag-aaral dahil laging nasa isip ko ang aking naging masaklap na karanasan.
Ayaw kong masira ang pag-aaral ko. Pagpayuhan mo ako.
Erwin
Dear Erwin,
Ang nawalang salapi ay puwedeng kitain muli. Ngunit ang oras na nasayang dahil sa kakaisip mo sa pagkakaloko sa iyo ay hindi na puwedeng bawiin.
Charge it to experience. Magpatuloy ka sa pagiging working student at kapag nakapagtapos ka, higit pa riyan ang kikitain mo.
Dr. Love
- Latest