Dear Dr. Love,
Hindi ko maunawaan ang sarili ko. Dati akong lalaking lalaki nang magpakasal kami ng asawa kong si Minda.
Katunayan, maraming babae ang umiyak sa akin nang iwanan ko matapos kong makuha ang aking gusto.
Tawagin mo na lang akong Ishko, 35 anyos at isang call center agent. Dito ko nakilala si Reggie, isa siyang bading pero hindi ko nahalata.
Naging very close kami at mag-best friend. Hiwalay siya sa asawa niya na isang babae dahil nabisto ang kanyang gender.
Hindi ko alam na unti-unting nahulog ang damdamin namin sa isa’t isa hanggang nabuo ang isang hindi nararapat na relasyon.
Lantad na sa buong opisina ang relasyon namin. Gusto ko siyang iwasan pero ‘di ko magawa.
Ayaw ko na sana na makarating pa ito sa aking misis.
Ano ang gagawin ko?
Ishko
Dear Ishko,
Mali ang ginagawa mo dahil sarili mong pamilya ang mawawala sa pagpapatuloy ng relasyon ninyo.
Quit while the quitting is good kung pinapahalagahan mo ang asawa mo. Sabi mo dating kang tunay na lalaki.
Kung gayo’y magpakalalaki ka sa pagsupil sa relasyon mo na maghahatid lang sa iyo sa kapahamakan.
Dr. Love