^

Dr. Love

Nahalikan ang kakambal ng gf

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Kambal ang gf ko. Minsan naiinis ako dahil niloloko nila ako. Ang akala ko ang kausap ko ay ang gf ko, ‘yun pala ang kakambal niya. Sinabihan ko sila na baka magkamali ako at mahalikan ko ang kakambal ng gf ko. ‘Pag nagkaganon ay huwag na huwag kako silang magagalit. Hayun nagkatotoo nga.  

Nang dumating ako sa bahay nila, ang akala ko ang gf ko ang sumalubong sa akin...‘yun pala ang kakambal niya. Niyakap ko at hinalikan.  Nagpupumiglas siya at nagsabi, naku lagot ka kay ate. Ganun nga ang nangyari, nagalit sa akin ang gf ko at hindi niya ako kinikibo ngayon.

Jei

Dear Jei,  

Ang mga ganitong senaryo ay talagang delikado, lalo na kapag may kambal na halos magkapareho ng itsura. Ngunit may paraan para maayos ito. Para hindi na maulit ang ganitong sitwasyon, mag-usap kayo ng girlfriend mo tungkol sa mga palatandaan o bagay na magpapakilala sa kanya (e.g., unique na accessories, o ibang paraan ng pagbati). 

Kung talagang mahal ka ng girlfriend mo, malalagpasan ninyo ito. Maging maingat na rin sa mga susunod na pagkakataon.

DR. LOVE

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with