Dear Dr. Love,
Call me Maita, 24 anyos. Two years na kami ng boyfriend ko nang magkaroon ako ng aksidente sa motor. Naka-angkas ako sa brother ko nang banggain kami ng malaking truck.
Namatay ang kapatid ko sa aksidente pero ako’y naputulan ng dalawang paa. Nakipag-break ako sa boyfriend ko pero ‘di siya pumayag.
Sabi ko magiging kabigatan lang ako sa kanya sa aking kalagayan. Pero mapilit siya na manatili ang aming relasyon. Gusto pa nga niya na magpakasal kami.
Pero paano ko magagampanan ang tungkulin ko bilang asawa kung ganito ako na wala nang silbi?
Baka naaawa lang siya sa akin kaya sinabi niyang hindi niya ako aayawan.
Dapat ba kaming magkatuluyan?
Maita
Dear Maita,
Naniniwala akong mahal ka talaga ng boyfriend mo. Kung hindi, kahit maawa siya sa kalagayan mo ay hindi ka na niya tutuluyan.
Mapalad ka sa kanya. Huwag mong tanggihan ang inalok niyang kasal at huwag mong kaawaan ang iyong sarili.
Hindi ka inutil. Maraming mas grabe ang kapansanan sa iyo pero nakakapaghanapbuhay pa.
Dr. Love