Dear Dr. Love,
Ako po si Merced, 52 anyos. 20 years oldlang ako nang maging boyfriend ko si Fermin. Two years kaming engaged pero ayaw niya munang magpakasal kami.
Mag-a-abroad muna raw siya ang titiya-king magiging mayaman kami ‘pag nagsama. Pumasok siyang seaman pero matapos ang dalawang taon ay hindi na siya nakipag-ugnay aa akin.
Tinawagan ko ang kompanya niya na nagsabing nag-jump ship siya at hindi na alam ang kanyang kinaroroonan. Nasaktan ako pero matiyagang hinintay ang pagbabalik niya. Mahigit dalawampung taon akong naghintay at nanatiling dalaga.
Hanggang nagulat ako nang magbalik siya at humingi ng tawad. Inamin niya na nag-asawa siya ng isang taga-Vietnam at nanatili siya sa bansang yaon. Pero namatay na raw sa panganganak ang asawa niya kaya niya ako binabalikan.
Dapat ko bang tanggapin ang paghingi niya ng tawad?
Merced
Dear Merced,
Kung mahal mo pa siya, patawarin mo siya dahil iyan ay utos ng Diyos sa ating lahat. Magpatawaran.
At kahit nawala na ang pagmamahal mo sa kanya, patawarin mo pa rin pero huwag na lang kayong magbalikan.
Ngunit walang masama kung magkabalikan man kayo dahil may nalalabi pang pag-ibig sa kanya.
Dr. Love