^

Dr. Love

Nagpakasal sa may asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang buong akala ko ay binata ang boyfriend ko kaya nang yayain akong magpakasal, pumayag ako.

Dalawang buwan pa lang kaming mag-on nang magpakasal kami.

Nagpakasal kami sa simbahan sa isang simpleng seremonya at nagsama ng limang buwan.

Nang walang anu-ano ay may sumugod na babae sa aming tinitirhang apartment na nagpakilalang asawa ng mister ko.

Idedemanda raw kami ng adultery at concubinage.

Ipinaliwanag ko naman sa babae na binata ang pagkakilala ko sa lalaking pinakasalan ko.

Inamin ng asawa ko na kasal siya sa babaeng ‘yun pero ipinoproseso na ang kanilang annulment.

Valid po ba ang kasal?

Loida

 

Dear Loida,

Isinagawa ng pari ang kasal in good faith kaya ito ay binding kahit ilegal at puwede mong ihabla ng bigamy ang lalaking pinakasalan mo.

Kahit under process pa ang annulment ng una niyang kasal, siya at ang una niyang asawa ay legally married pa kaya ang pagpapakasal sa iyo ay may halong deception o panlilinlang.

Ang payo ko ay idemanda mo ang lalaking iyan.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with