Malungkot ang ibang fans ni Bea Alonzo.
Ba’t daw kasi parang inaalat ang kanilang idolo.
Nagpa-party siya na ang intention ay magkaroon ng content at makasama ang mga katrabaho sa Windows’ War pero pag-alis nina Rita Daniela at Archie Alemania sa kanyang party, doon naganap ang panghahalay sa huli.
Tapos akala raw nila magte-trending ang idolo para sa Halloween posting, hindi pala.
Umaapaw ang bashing dahil criminal ang peg nito, si Lyle Menendez, na nakulong kasama ang kapatid dahil sa pagpatay sa mga magulang nila. May mga kumalat pa na reel ni Bea habang inaayusan ng stylist niya ala-Lyle Menendez kaya naman baka raw aware rin ito sa kanyang ginawa.
Bago ito ay natalo rin ang actress sa kasong cyber libel na isinampa niya sa misis ng kanyang driver.
Kaya naaawa ang ibang loyal fans nito.
Habang ang mga ibang kumbaga ay ka-contemporary niya ay bongga pa ang career at hot item sa social media.