^

Dr. Love

Gusto, pero di magawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko ipaayos ang bahay namin, pero hindi ko magawa. Dahil ayaw ipagalaw ng biyenan ko at baka magalit daw ang panganay niyang anak.   Kami ang nakatira sa bahay pero nakapangalan sa kapatid ng misis ko. Kaya hayun hindi ko mapagawa.

Mayroon na akong panggastos pero baka maubos ko lang ito at hindi magawa ang bahay namin. Gusto kong pataasan, lumalaki na rin ang dalawa naming anak. Gusto ko sana may kanya-kanya na kaming kuwarto.

Mr. V

Dear Mr. V,

Maraming pamilya ang nakakaranas ng ganitong uri ng hamon, lalo na sa usapin ng bahay at lupa.

Unawain mo ang pinanggagalingan ng iyong biyenan.

Kung ayaw talaga pagalaw ang bahay, baka pwedeng magsimula muna sa maliliit na proyekto, tulad ng pag-aayos ng isang parte ng bahay, o pagdagdag ng ilang kwarto nang hindi ginagalaw ang kabuuan ng bahay. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat na maganda ang kalalabasan ng mga pagbabago at hindi naman ito nakakasama sa interes ng iba.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with