Halimaw sa gabi

Dear Dr. Love,

Wala akong problema sa ugali ng mister ko. Wala siyang bisyo gaya ng alak, sugal o babae at para siyang maamong tupa sa ugali. Ni hindi siya nagyoyosi at ang buong sahod niya ay iniintrega sa akin ng walang bawas. Humihingi na lang siya ng pamasahe at baon kapag papasok.

‘Yun nga lang, labis and hilig niya sa pakikipagtalik pero hanggang ngayon, sa limang taong pagsasama namin ay wala pa kaming anak.

Long playing kasi siya at sa isang gabi, tatlong beses kaming nagtatalik kahit ayaw ko na dahil nasasaktan na ako. Para siyang monster kung manibasib.

Nagagalit siya kapag umaayaw ako kaya pinagbibigyan ko na lang tutal uliran naman siya sa ibang tungkulin bilang asawa.

Sa totoo lang nagpi-pray ako na mabawasan ang hilig ng mister ko sa sex.

May pwede pa kaya ako gawin para kumalma ang asawa ko sa tawag ng laman? Pagpayuhan po ninyo ako.

Jasmin

 

Dear Jasmin,

Baka kaya dahil wala pa kayong anak kung kaya ayaw ka niyang tantanan?

Kung ‘di pa kayo nagpapatingin sa doktor, gawin ninyo ito.

Kung walang may diprensya sa inyo, ang doktor ang makapagpapasya kung paano kayo magkakaanak.

Magpasalamat ka na lang at uliran, at hindi babaero ang asawa mo at ikaw lang ang kanyang bisyo.

Dr. Love

Show comments