Naging mayabang siya

Dear Dr. Love,

Kaya sinagot ko ang aking boyfriend ay dahil mapagkumbaba siya at wala ni katiting na kayabangan.

Estudyante pa lang siya ng law nang maging kami and that was three years ago.

Matalino siya at nagtapos ng cum laude. Nang mag-take ng bar exam ay top 3 siya at ngayo’y ganap na’ng criminal lawyer.

Ang hindi ko naibigan sa kanya ay naging lubha siyang mayabang sa kanyang pananalita at maging sa pagtrato sa kapwa tao.

Minsang sinita siya ng trafficking enforcer dahil sa traffic violation, niyabangan niya ito at mabuti na lang at hindi siya pinatulan.

Nasaktan ako nang minsang pagsabihan ko siya sa pagbabago ng kanyang ugali.

Ang sagot niya kung ayaw ko na siya, humanap na ako ng iba.

Mahal ko siya dahil sabay kaming lumaki, naging best friends at magkasintahan.

Papaano ko siya babaguhin?

Ritz

 

Dear Ritz,

Dalawang bagay ang puwede mong gawin. Kung hindi mo na matiis ang inuugali, makipag-break ka.

Kung masakit sa iyo ito dahil mahal mo siya, pagtiisan mo siya.

Palagay ko, Diyos lang ang makagagawa ng solusyon sa sitwasyon upang kusa siyang magbalik sa dating mapagpakumbabang ugali.

Dr. Love

Show comments