Ni-rape, nagkaanak

Dear Dr. Love,

Nagdesisyon ako na huwag nang mag-asawa mula nang isilang ko ang aking anak na lalaki na ngayo’y  7 years old.

Biktima ako ng rape at nagbunga ang pagsasamantala ng lalaking yon.

Hindi na ako nagdemanda at tinanggihan ko ang alok na pagpapakasal ng humalay sa akin. May kasalanan din ako.

Liberated ang utak ko noon at sumama akong makipag-date sa lalaking ‘yon na lumasing sa akin kaya nakuha niya ang aking pagkababae.

Matagal ko nang pinagsisihan ang naganap na ito sa buhay ko at salamat sa Diyos at binago niya ang ugali ko.

May suitor ako ngayon. Alam niya ang a-king nakalipas at nauunawaan daw niya ako at handa akong pakasalan.

Mahal ko rin siya pero ayaw kong mabatikan ang dangal niya dahil sa aking kalagayan.

Pagpayuhan mo po ako.

Miles

Dear Miles,

Mahal mo siya at mahal ka niya. Huwag mong gawing hadlang ang iniisip mong hindi ka karapatdapat sa kanya.

Pambirang katangian ang taglay ng manliligaw mo.

Tanggapin mo siya at bumuo kayo ng isang masayang pamilya.

Dr. Love

Show comments