‘Di makapagtago ng sikreto

Dear Dr. Love,

Mabigat ang problemang bitbit ko. Nakipag-break sa aking ang boyfriend ko dahil sa sikreto namin na ayaw niyang ipagsabi ko, pero hindi ko napigil ang sarili ko at naikuwento ko sa cousin ko. 

Nalaman tuloy ng buong barangay.

Pero wala namang masama. Sinabi lang ng boyfriend ko sa akin na pakakasalan na niya ako kapag nakahanap na siya ng magandang trabaho.

Dalawang linggo na niya akong hindi kinokontak at hindi niya sinasagot ang mga message ko.

Please help me on what to do?

Mercy 

Dear Mercy,

Maliit na bagay iyan para ikagalit sa iyo ng boyfriend mo. 

Baka naman boladas lang niya sa iyo ang sinabing pakakasalan ka niya? 

Kung serious siya, hindi siya dapat magalit kahit ipagsigawan mo iyan sa buong mundo.

If he truly loves you, magiging proud pa siya. Better forget the guy.

Dr. Love

Show comments