Nahuhumaling

Dear Dr. Love,

Hindi ko maunawaan ang sarili ko dahil ngayon lang nangyari sa akin ito. Tawagin mo na lang akong Isay, 21 anyos.

Mula nang makilala ko si Rogel, para akong nawala sa sarili ko. Hindi naman siya masyadong guwapo pero ang lakas ng dating niya sa akin.

Star player siya sa kanilang barangay at hindi ako pumapalyang manood hanggang magkakilala kami. May apat na buwan na kaming magkaibigan pero parang wala siyang interes sa’kin.

Ano gagawin ko para ligawan niya?

Isay

Dear Isay,

Wala kang magagawa kundi maghintay at kung hindi ka niya ligawan, forget him. Babae ka at hindi tamang ikaw ang manliligaw ni magpakita ng motibo.

Dr. Love

Show comments