Dear Dr. Love,
Nagkaroon ako ng boyfriend na mahal ko ngunit masyadong seloso at possessive. Kaso, natural sa akin ang masyadong friendly.
Madalas kaming nag-aaway kapag nakikita akong nakikipagbiruan sa mga lalaki.
Pinagbabawalan niya ako pero ‘yun ang ugali ko talaga na ‘di ko puwedeng baguhin.
Minsan, inaabot ng isang linggo na wala kaming kibuan pero pagkatapos ay hihingi siya ng sorry. Komo mahal ko siya ay lagi kong pinatapawad.
Dumating from Canada ang pinsan kong lalaki na saksakan ng lambing at niyaya akong mag-mall kasama ang utol kong lalaki. Nakaakbay sa akin ang pinsan ko at hindi ko alam na nakita pala kami ng boyfriend ko na inataki ng pagseselos.
Dahil sa sama ng loob ay nagbigti siya. Sinusumbatan tuloy ako ng aking budhi.
Ano ang dapat kong gawin?
Ditas
Dear Ditas,
Nakakalungkot na nagpakamatay siya sa walang saysay na dahilan. Pero walang dahilan para sumbatan ka ng iyong budhi dahil wala kang ginawang kataksilan.
Mabuti at hindi siya ang nagkatuluyan mo dahil sa palagay ko, kailan man ay hindi ka liligaya sa piling ng lalaking sobrang mapanibughuin.
Kalimutan mo na siya at move on.
Hindi masama ang pagseselos kung nasa lugar ngunit kung walang bata-yan, iyan ay lason na sisira sa magandang relasyon.
Dr. Love