Nabisto ang kalokohan

Dear Dr. Love,

May boyfriend ako na mahal na mahal ko. So much na kahit may mga nagbabalita ng masasama laban sa kanya ay ayaw kong maniwala.

Six months na kami at akala ko, kami na ang magkapalaran. 

Hanggang nabalitaan ko na ang aking first cousin ay nabuntis. Para akong tinamaan ng kidlat nang malaman ko na ang ama ng ipinagbubuntis ng aking pinsan ay siya.

Doon ko na siya kinompronta. Sabi ko dapat managot siya sa ginawa niya sa pinsan ko. 

Pero bigla na lang siyang nag-disappear at dahil dito, uminom ng lason ang pinsan ko.

Mabuti nakaligtas siya pero hindi nasagip ang dinadala niya. 

Puwede bang kasuhan ang ex ko?

Brenda

Dear Brenda, 

Hindi ako lawyer pero puwede kang humingi ng legal advice sa abogado na higit na  nakakaalam kaugnay sa mga kaso na gaya nang kinasangkutan ng ex-boyfriend at pinsan mo.

Gayunman, kung parehong nasa legal age na sila, wala akong nasisilip na legal na kaso. Pero pinakamainam pa rin na makapagtanong ka pa sa isang eksperto.

Sana magsilbing aral sa iyo at sa ibang kababaihan ang karanasan mo. 

Mahalagang kilalanin ng mabuti ang lala-king pagkakatiwalaan o mas mabuti na huwag basta magtiwala para hindi mabiktima ng panloloko ng sinuman.

Dr. Love

Show comments