Naging palaboy
Dear Dr. Love,
Mabiyayang araw sa iyo at sa lahat ng mga tagasubaybay mo. Tawagin mo na lang akong Connie, 34 anyos.
Mula nang maalis sa trabaho ang mister ko bilang superbisor, masyado niya itong dinamdam at napabayaan niya ang sarili.
Napagbintangan kasi siya na nagnakaw ng mga produkto na hindi naman niya ginagawa. Mabuti nga at termination lang ang nangyari at hindi siya idinemanda.
Dahil dito, ako ang napilitang magtrabaho. Factory worker ako ngayon.
Pero ang asawa ko ay biglang naglaho ng ilang buwan.
Nalaman ko na naging palaboy siya at mukha nang taong grasa.
Sa tulong ng kanyang mga kapatid, naiuwi namin siya pero lagi siyang naglalayas at nagbabalik sa pagi-ging palaboy. Wala na raw siyang silbi sa buhay. Ano ang dapat kong gawin?
Connie
Dear Connie,
Halatang nagkaroon na ng depression ang asawa mo. Mahirap talaga ang mapagbintangang gumawa ng masama kung mabuting tao ka.
Kailangan na ng mister mo ng professional help.
Sa ilalim ng Universal healthcare law, naging magaan na kahit sa mahihirap ang pagpapagamot sa ganyang mental health issue.
Ipasuri mo na sa dalubhasang psychiatrist ang mister mo para magbalik ang katinuan ng isip.
Dr. Love
- Latest