^

Dr. Love

Ayaw ng bakuna

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kakaiba ang kataigasan ng ulo ng aking asawa ko. Prone pa naman siya sa flu pero ang tigas ng ulo at ayaw magpa-flu vaccine, nagkadahawa-hawa tuloy sa bahay.

Siya pa man din ang nasa labas ng bahay dahil ang trabaho niya ay nasa field. Kaya talagang expose siya sa maruming hangin at maging sa kung anu-ano nang nasa hangin.

Hindi ko po maintindihan kung ano ang ikinakatakot niya sa pagbabakuna. Ilang beses ko na siyang inusisa, kung sa karayom ba siya takot o sa mismong bakuna, tumatawa lang ang loko.

Mahirap po ang magkahawaan ng sipon at ubo sa loob ng bahay. Hindi naman magawang nmag-mask kapag may sakit dahil mahirap daw huminga.

Tulungan po ninyo ako kung paano ko makukumbinsi ang mister ko na ok ang flu vaccine.

Camille

Dear Camille,

Kung walang da-ting ang paulit-ulit na pangangaral mo sa iyong mister tungkol sa inam ng flu vaccine, subukan mong dalhin siya sa inyong health center para ang mga health worker ang mismong magpaliwanag sa kanya ng tungkol sa bakuna.

Sakaling may mga kaibigan kayo o ka-batch na nagpapa-flu vaccine, subukan mong ipakausap sa asawa mo para sila mismo ang makapagkwento na walang dapat katakutan sa napapanahong bakuna, gaya ng flu vaccine lalo na para sa gaya niya na prone na makasagap ng di-sease causing virus.

DR. LOVE

Pasalamat ka sa Diyos dahil ipinag-adya ka niya sa kapahamakan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with