Dear Dr. Love,
Nagpupugay muna ako sa inyo at sa laksa-laksang tagasubaybay. Tawagin na lang ninyo akong Samyong, 35 anyos. 18 years ago, nakabuntis ako ng babae at ang anak namin ay nasa aking custody.
Isang GRO ang babaeng nakarelasyon ko at nang isilang niya ang bata ay ipinaubaya na niya sa akin ang pag-aalaga nito.
Maganda naman ang trabaho ko at nag-aaral sa exclusive school ang anak ko. Hindi na nga ako mag-aasawa dahil siya na lang ang aasikasuhin ko.
Pero last week, nagulat ako nang dalawin niya ako kasama ang lalaking asawa raw niya at kinukuha ang aming anak.
Foreigner ang lalaki at hindi sila nagkaanak kaya kinukuha nila ang anak ko.
May karapatan ba sila?
Samyong
Dear Samyong,
Kung magkakademandahan, palagay ko ay panalo ka dahil kaya mo namang tustusan ang pag-aaral at ibang pangangaila-ngan ng iyong anak.
Isa pa, lampas na sa pitong taong gulang ang bata na iniwanan niya sa iyo matapos isilang.
Nasa legal age na siya at may karapatan na ang anak ninyo na mag-decide king kanino sasama.
I’m sure sa ipinakikita mong pagmamahal at aruga, sa iyo sasama ang inyong anak.
Ipinakikita rito na siya ay walang kuwentang ina.
Naging napakabuti mong ama kaya marahil, kakatigan ka ng hukuman.
Ngunit humingi ka rin ng legal counsel sa abogado na higit na nakakaalam sa ganyang usapin.
Dr. Love