Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Gracita, 21 anyos. May suitor ako na isang seminarista at malapit nang maging ganap na pari.
Para patunayan niya ang pagmamahal niya sa akin, nagpaalam siya sa seminaryong pinapasukan niya na hindi na itutuloy ang bokasyon at siya ay pinalabas naman.
Dini-discourage ako ng parents ko na huwag akong makipagrelasyon sa dating seminarista dahil pang-aagaw daw ito sa Diyos at malaking kasalanan.
Ngunit talagang balak ko na siyang sagutin dahil nasa kanya ang mga katangian ng isang lalaki na hanahanap ko at gustong makarelasyon. Ano ang gagawin ko?
Gracita
Dear Gracita,
Kung pinayagan siya ng superior sa seminary nang siya ay magpaalam, may lakip na itong bendisiyon at dispensasyon.
Talagang bago ang ordinasyon, pinalalabas muna ang mga magpapari upang makapag-isip kung sadyang handa silang mabuhay na celibate.
Mas mabuti kasi na tiyak ang kahandaan nilang iukol lang ang kanilang paglilingkod sa Diyos na walang asawa.
Kaya walang masama kung magkakatuluyan kayo. sagutin mo siya kung sure ka na sa kanya.
Dr. Love