^

Dr. Love

Diborsyada ang girlfriend

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang girlfriend kong si Girlie ay may ambisyon noon pa na pagka-graduate namin ay magma-migrate siya sa US. 

Natupad ang dream niya 7 years ago nang pakasalan siya ng isang Pilipino na malayo nilang kamag-anak na US citizen na. 

Pero ito ay para lamang makapag-migrate siya sa America. Mahigpit ang policy ng immigration at alam na nito ang tinatawag na marriage for convenience.

Doon, kailangang magsama sila bilang mag-asawa upang matiyak ng pamahalaan na hindi sila nanloloko lang.  Nagkaroon sila ng isang anak at matapos ang apat na taon ay nag-divorce na sila.

Nang maging born again Christian ako, napag-isipan ko kung tama ba o hindi na magpakasal sa diborsyada?

Ano sa palagay ninyo, Dr. Love?

Richie

Dear Richie,

Maliwanag ang sinabi mismo ng Pa-nginoong Jesus na ang sino mang maki-pagrelasyon sa diborsyado ay nagkakasala ng pangangalunya.

May ibang denominasyon na nagsasabing puwede, pero para sa’kin, maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi ng ating Panginoon.

Kung may nararamdaman kang conviction sa Salita ng Diyos, ang dapat mong gawin ay sundin ito.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with