Dear Dr. Love,
Hindi ko inaasahan na iba pala ang tipong lalaki ng nililigawan ko. Mahilig kasi akong magpa-impress sa babaeng nagugustuhan ko. Hindi naman dahil gusto kong pumorma pero gusto ko rin kasi na disente at maayos ako sa nililigawan ko.
Pero iba itong girl na nakilala ko. Pinakilala siya ng pinsan ko, klasmeyt niya sa Calculus. Hindi mo aakalain na nakapatalino.
Nakilala ko siya sa isang fastfood. Sinamahan ako ng pinsan ko, may kukunin lang daw siya na files. Group activity nila na kailangan nang i-submit.
Nagustuhan ko siya dahil sa simple niyang pananamit. Sa paulit ulit na utos ng pinsan ko. Eh, maraming pagkakataon na nakakausap ko si girl.
Hanggang sa niligawan ko siya. Napapansin niya na laging bago ang suot ko at branded kapag nagkikita kami.
Sinabihan niya ako na ok lang naman daw kung simple lang ako. Huwag na raw akong bumili nang bumili ng mamahaling damit, sapatos para ipang porma ko sa kanya. Ok lang din naman sa akin, pero wala naman akong pinagkakagastusan kaya bili lang ako ng bili.
Roland
Dear Roland,
Mahal talaga kapag branded. Tama naman, wala namang problema. ‘Yun lang kung gastos ka ng gastos hindi ka makakaipon nyan. Kung may naitatabi ka, mas ok. Sa ngayon mahalaga ang may ipon.
Para din naman sa future ng magiging partner mo. Malay mo, seryoso pala siya sa magiging bf niya. Going to a long term relationship, ‘di hindi ka na magkakaproblema sa pera o kung magkaproblema ka man ay may paghuhugutan ka.
Hindi naman kasi sukatan ang panlabas lang, basta’t malinis ka inside out. ‘Yun ‘yun!
DR. LOVE