Forgive and forget

Dear Dr. Love,

Mahal na mahal ko ang misis kong si Greta kaya nang minsang nagtaksil siya sa akin ay halos ikasira ng aking pag-iisip. 

Nalaman ko na nakikipagtagpo siya sa kanyang dating nobyo kaya napagbuhatan ko siya ng kamay.

Nangako siyang hindi na uulit kaya pinatawad ko siya.  

Kaso, tuwing naaalala ko ang kataksilan niya, hindi ko mapigil ang aking sarili na siya ay sumbatan.

Kapag nanonood kami ng teleserye at nagkaroon ng eksenang nagtaksil ang babae sa lalaki, pinatututsadahan ko siya at dahil dito’y nag-aaway kami.

Minsan na siyang naglayas dahil dito pero sinundo ko siya at humingi ako ng tawad.

Paano mabubura sa isip ko ang madilim naming nakaraan?

Andoy

Dear Andoy,

Ang tunay na pagpapatawad ay kinalilimutang ganap ang kasalanan ng taong pinatawad niya. Wika nga, forgive and forget.

Ganyan ang Diyos sa tao. Kapag nagkasala tayo at pinatawad niya, hindi na niya aalala-hanin ang ating ginawang mali. Dapat ganyan din tayong mga anak niya. 

Kung tunay at tapat ang pagpapatawad mo sa iyong asawa, ibaon mo na ito sa limot.

Dr. Love

Show comments